Manila, Philippines – Kamakailan lang ay nakausap namin ng personal si Madam Baby F. Go ng BG Films International na kasama ang paborito naming abogado sa showbiz na si Atty. Ferdinand Topacio.
Nakipag-collab pala itong si Madam Baby kay Atty. Topacio para sa mga susunod niyang pelikula na gagawin. FYI ay producer din si Atty. Topacio via Borracho Films.
Bukod dito ay pinahawakan din ni Madam kay Atty. Topacio ang isang kaso na iihahain niya laban sa isang showbiz personality.
Ayon kay Madam Baby ay sobrang bilib daw siya sa kakayanan ni Atty. Ferdie bilang abogado at movie producer kung kaya siya dito ay nakipag-collab.
Tanong ni Yours Truly kay Madam Baby kung naapektuhan ba siya sa nangyaring pandemic ng COVID-19 virus na tumagal ng more than three years dito sa ating bansang Pinas, at ang sagot niya ay, “Oo naman. Lahat tayo ay apektado ng pandemic.
“Ang daming naluging negosyo kasama na ang ating movie industry kaya dapat lahat tayo ay magtulung-tulungan upang maiangat natin ang mga pelikula natin sa mga sinehan lalo na sa mga movie theaters natin dahil balita ko ay kokonti na lang ang nanonood sa mga theater sa mall na parang paranoid pa sa pandemya.
“Sana naman ay mawala na ang takot nila sa pandemya na ang alam ko ay matagal nang sinugpo ni Lord God Jesus Christ at harapin natin lahat ang panibagong chapter ng buhay para sa ikauunlad ng ating ekonomiya at lahat ng ating business establishments.
“At sana ay huwag silang makuntento na lang sa panonood sa mga social media. Iba pa rin ang manood sa big screen, eh.
“Kaya nga nakipag-collab ako kay Atty. Topacio para gumawa uli kami ng mga pelikula sooner than soon,” ang mahabang paliwanag ni Madam BFG.
May point siya in pernes, ha!
So, mga kababayan naming mahal, pagtulong-tulungan po natin na muling mai-angat ang ating movie industry para everybody happy ika nga, lalo na sa ikauunlad ng ating ekonomiya, boom ganernnn! Mercy Lejarde