Shuttle service para sa mga magbabalik-trabaho, pinaalala ni Bello sa employers

Shuttle service para sa mga magbabalik-trabaho, pinaalala ni Bello sa employers

May 23, 2020 @ 4:40 PM 5 days ago

  •  
  •  
  •  
Share

Manila, Philippines – Pinaalalahanan ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang mga private employers na maglaan ng shuttle services para sa kanilang mga empleyado.

Ito ang naging pahayag ni Bello bilang nananatiling suspendido ang transportasyon sa mga lugar na nasa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ).

“Alam naman ng mga employer na kung gusto nila na pumasok ka at alam naman nila na wala kang sasakyan at hindi ka makarating sa iyong workplace so kung gusto nila pumasok ka kailangan mag-provide sila ng shuttle,” saad ni Bello.

“Kung hindi nila ma-provide ‘yun, hindi ka mapipilit na pumasok sa trabaho,” dagdag pa nito. RNT/FGDC

Share

Leave a Reply

Loading...