Home OPINION SI NINONG JODE A.K.A. ROBINHOOD NG NAVOTAS

SI NINONG JODE A.K.A. ROBINHOOD NG NAVOTAS

100
0

PANAHON na naman ng halalan kaya kanya-kanyang hanap din ang mga kandidato ng mga  indibidwal o grupong maaring makatulong sa kanilang gastusin haharapin  sa   election campaign.

Karaniwang nilalapitan ay mga pulitiko o  mga negosyanteng – sa ngalan nang pakikipagkaibigan at pansarili ring interes. Ang ilan pa nga sa mga pulitiko at negosyante ay bukas ang palad  na sumuporta sa napupusuang kandidato na kahit nga hindi lumalapit sa kanila ay kusang-loob ang ginawa nilang pagbibigay ng pondo o tulong.

Bukod kina congressman, governor, mayor at business owners, ang mga iligalista o may negosyong iligal ay mas matindi pa kung tumulong  kaya  sila ang pangunahing target na lapitan ng mga kandidato kahit pa sabihing pambarangay lang ang tatakbuhan.

Gaya  halimbawa sa Navotas na ‘word of mouth’  ang ginagawang pagtulong ng  isang nagngangalang ‘Jode’ sa mga lumalapit sa kanyang tumatakbo sa pagka-kapitan ng barangay sa lungsod.

Si “Jode”,  na kung isalarawan  lalo na ng mga tatakbong chairman at kagawad ng barangay ay mistulang “Robinhood” sa galing sa pagtulong, ay isang Navotas businessman, kaya nga lang ang negosyo niya’y  lotteng na uri ng iligal na sugal.

Dating kagawad ng barangay si Robinhood este Jode hanggang subukan n’ya ang pamumuhunan sa  lotteng  kaya nang  lumaki ang pasugal ay nagpasyang iwan ang pagiging serbisyo-publiko and ‘the rest is history’.

Sa nakalipas na 20 taon ay napanatili raw ni Jode ang kanyang illegal business dahil hindi siya itinuring na kaaway ng Navotas City government at mga barangay captain ng lungsod.

Para tuloy-tuloy  ang  lotengan nang walang balakid,  may listahan daw ang negosyante con iligalistang Jode ng mga tumatakbong barangay chairman at kagawad na tinutulungan nang todo para masiguro ang panalo ng mga ito.

Dahil  Robinhood, kilalang mapagbigay at namamahagi ng yaman,  “Ninong Jode”  na tuloy kung siya’y tawagin ng mga dumarating na kandidato sa kanyang hide-out o lungga sa Barangay Sipac Almacin kung saan doon din umano ang rebisahan ng kanyang lotteng.

Iligalista si Ninong Jode na nag-aala ‘Robinhood’ sa mga kandidato dahil ang interes niya’y  manalo ang mga  minamanok para hindi maputol ang pamamayagpag ng kanyang lotteng business nang sa ganoon nga naman, namahagi man siya ng konti, doble o triple naman ang kapalit na kita ng kanyang negosyo dahil walang mamemerwisyo kapag nanalo ang kanyang mga tinulungan este binayaran.

Ano ang dapat gawin? Ipaubaya natin kay newly-designated Navotas City Police chief of police P/Col. Santos Sumingwa, Jr., ang kasagutan. Baka kasi pagkatapos pa ng Pasko at Bagong Taon magkakilala nang husto sina COP at Robinhood dahil may mga lilipas o parating pang okasyon maliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections o BSKE.

Pero pumayag kaya ang regional director ng National Capital Region Police Office na si PBGen Jose Melencio Nartatez Jr. na galit sa mga iligal lalo na sa droga at sugal?

Kaabang-abang ang magiging resulta nito. Paano kaya kung arborin ng ilang opisyales ng Navotas City Government?

Previous articleLotto Draw Result as of | September 10, 2023
Next articleNCRPO, TOTOO SA KAMPANYA LABAN SA DROGA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here