Home OPINION SI RAOUL MANUEL ANG MAY TAMA?

SI RAOUL MANUEL ANG MAY TAMA?

NOONG sumalang sa budget hearing ang Office of the Ombudsman na pinamimunuan ng magiting na si Samuel Martires, kumana ang maka-komunistang-teroristang Partylist na Kabataan na si Rep. Raoul Manuel at tila ipinamamalas na mas mataas siyang uri kaysa sa dating mahistrado.

Wala sa hulog ang mga tanong nitong si Manuel kaugnay sa  hearing, red tagging isyu ang pinasok ng mambubutas este mambabatas.

Kaya diretsahan naman siyang pinaliwanagan nang malumanay ni  Martires upang ipabatid na kahit malaki ang kanyang tama, dapat niyang maunawaan na “wala pang batas” para sa usapin ng ‘red-tagging.’

Ipinipilit kasi nitong si Manuel na may naisampang mga kaso laban sa mga dating pamunuan ng anti-insurgency task force na sina Lorraine Badoy, Antonio Parlade Jr. at Hermogenes Esperon dahil sa red tagging at graft.

Ang sagot lamang ni Martires ay “na-dismissed” ito dahil walang batas na pagbabasehan sa red-tagging.

“Sa dami ng kaso na ‘yon, hindi ko alam kung ano ‘yung status. But if the honorable congressman is referring to those cases against Parlade, Badoy, Esperon with respect to the red-tagging, those cases were already dismissed sa kadahilanan  na wala naman pong batas na nagbabawal sa red-tagging,” paliwanag ni Ombudsman Martires, nasa record yan ng Kongreso.

“Walang ‘red tagging’ violation. Kung anti-graft ang ipa-file, para lang tayong nagpalusot,” dagdag pa ni Martires.

Sinabihan pa nitong si Rauol Manuel ang mahistrado na may mga panukalang batas na naihain para sa isyu ng red-tagging at dapat nga raw na ‘di na ito antayin ni Martires para sana umusad ang kaso nila laban sa tatlong dating opisyal ng pamahalaan.

Mga gaya nitong si Manuel ang sa palagay ko’y ‘di na dapat ibinoboto. Panukalang batas pa lamang ay gusto na agad nitong ipatupad. Hindi ba, kaya nga tinatawag itong ‘panukala’ ay hindi pa ito isang ganap na batas?

Maraming malalaki ang tama diyan sa Kamara pero marunong lumugar at alam kung paano idadaan at ipagpipilitan ang kanilang tama.

Previous articleMiel Pangilinan, nag-lecture sa eating disorder!
Next articleMAG-INGAT SA PAGBILI NG CHRISTMAS LIGHTS