Home HOME BANNER STORY Sibuyas Queen ginisa sa Kamara

Sibuyas Queen ginisa sa Kamara

139
0

Manila, Philippines – Inalmahan ng isang trader ng sinuyas ang akusasyong isa siya sa sibuyas hoarder sa pagsasabing isa lang siyang magsasaka.

Sa kaniyang pagharap sa House Committee on Agriculture and Food sa pamumuno na pinamumunuan  ni 1st District Quezon Rep. Wilfrido Mark Enverga ay tahasang itinaggi ni Lea Cruz ang akusasyon.

Isang motu propio na pagdinig ang ipinag-utos ni House Speaker Martin Romualdez upang imbestigahan ang patuloy na pagtaas ng presyo ng sibuyas nitong huling bahagi ng 2022 dulot ng hoarding  at smuggling kung saan nagkaroon ng manipulasyon.

Sa halip ay iginiit ni Cruz na may mga sumasabotahe lamang umano at pinararatangan siyang sibuyas queen na kabilang sa mga tinukoy na hoarders ng sibuyas sa bansa.

Paglilinaw pa ni Cruz na isa siyang magsasaka sa Nueva Ecija at hindi siya sibuyas queen dahil bawang lamang umano ang kaniyang mga produkto at iba pang mga gulay.

Subalit hindi masagot ni Cruz ang katanungan ng mga mambabatas kung ilan ang ektarya ng lupa ang sakahan nito.

Subalit ang mga sagot ni Cruz ay agad sinopla ni Sagip Partylist Rep. Rodante Marcoleta si Cruz dahil meron umano siyang impormasyon na namamakyaw ng sibuyas ang negosyante pero nawawala ang mga supply .

“Gusto ko malaman kung siya ang hoarder o farmer, bakit pinupuntahan ninyo ang mga farmers kayo ang nagpi-finance sa kanila , kayo ang bumibili pero nawawala ang binibili ninyong sibuyas at  bawang hanggang sa wala ng mabili”, sinabi ni Marcoleta.

Malaking katanungan din kay Marcoleta na kung mataas ang sufficiency level ng sibuyas ay bakit kailangan pang mag-import .

“Nasa 120 % ang suffiency level sa data ng Philippine Statistics Authority (PSA) sa sibuyas sa bansa ay nangangahulugan lamang ito na sanggol pa lamang ay kumakain na ng sibuyas, “ayon kay Marcoleta.

Samantalang lumilitaw pa sa imbestigasyon na si Cruz ay dating nagtrabaho sa isang Division ng DA at ito rin ay isang opisyal noong 2014 ng mangyari ang shortage sa supply naman ng bawang.

Nailahad din sa pagdinig  na si Cruz ay Presidente pala ng Vegetables Importers Association pero hindi niya umano matandaan at wala siyang mapangalanan sa mga kasamahan niyang opisyal ng kanilang samahan.

Inihayag naman ni 2nd District  Quezon Rep. David “JayJay “ Suarez na may impormasyon siyang nabigyan ng 2,000 permits sa importasyon si Cruz pero nangangapa naman sa pagtugon ang nasabing negosyante.(meliza maluntag)

Previous article208 dagdag-kaso; 11 pa patay sa COVID
Next articleHOROSCOPE FEBRUARY 9, 2023