Home HOME BANNER STORY Sibuyas smugglers at kartel kakasuhan na sa Lunes-DOJ

Sibuyas smugglers at kartel kakasuhan na sa Lunes-DOJ

241
0

MANILA, Philippines – Nakatakdang maghain sa susunod na linggo ng kaso ang Department of Justice laban sa mga nasa likod ng smuggling ang pagmamanupula ng sibuyas.

Sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na nakatakdang isampa sa lunes ang kasong price manipulation, profiteering at iba pang kaso kaugnay sa pagmamanipula at pagpupulislit ng sibuyas sa nakalipas sa dalawang buwan.

Sinabi ni Remulla na ang National Bureau of Investigation (NBI) ang maghahain ng reklamo sa Sept. 18 araw ng lunes.

Magugunita nitong Hulyo sinabi ng kalihim na inaasikaso ng DOJ ang posibleng kaso ng economic sabotage laban sa mga sangkot sa onion cartel.

Ayon kay Remulla, nasa anim hanggang pitong personalidad ang sangkot sa kartel.

Una nang inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang directed DOJ na silipin ang nagaganap na hoarding at smuggling ng mga agricultural products.

Bunsod ito ng pagsipa ng presyo ng sibuyas na umabot ng ₱700 kada kilo noong 2022. Teresa Tavares

Previous articleKULANG PA ANG CHECKPOINT
Next articleTaas-sahod sa Central Visayas aarangkada na!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here