Home NATIONWIDE Sigalot sa WPS isinisi ng Tsina sa Pinas

Sigalot sa WPS isinisi ng Tsina sa Pinas

MANILA, Philippines – DAPAT na isisi sa Pilipinas ang patuloy na tensyon sa pinagtatalunang West Philippine Sea (WPS).

Sa isang panayam, partikular na tinukoy na dahilan ni Ministry Spokesperson Mao Ning ay ang pagpapalit ng “policy and position” ng Pilipinas sa bagay na ito.

Sinabi ni Mao na “for months, the Philippines has been making provocations on Ren’ai Jiao and other issues and drawing forces outside the region into those issues.”

“The recent developments involving China and the Philippines in the South China Sea are caused by the Philippines’ change of policy and position, refusing to honor its commitment, violation of the international law and the Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea, and deliberate infringement of China’s sovereignty and provocations,” ayon pa rin kay Mao.

“The responsibility lies with the Philippines. China will resolutely protect its territorial sovereignty and maritime rights and interests.” dagdag na wika nito.

Kapansin-pansin na nagtuturuan ang China at ang Pilipinas hinggil sa mga naging kaganapan at kamakailan lamang na pangyayari sa WPS.

Para kay Mao, paulit-ulit na pinakikialaman ng Pilipinas ang teritoryo ng China sa South China Sea, nagpapakalat ng “false information” at nakikipagsabwatan sa extraterritorial forces para magdulot ng gulo.

Samantala, sa kabila ng mga insidente sa WPS, sinabi ni Mao na “China’s door of dialogue remains open” at ang Chinese government ay “ready to work with the Philippines to properly handle maritime issues through negotiation and consultation.”

Umaasa naman ang China na “the Philippines will stop pursuing the wrong course at once.”

Sa kasalukuyan, wala pang reaksyon ang Department of Foreign Affairs sa mga naging pahayag ni Mao. Kris Jose

Previous articleSpecial permits sa consolidated jeeps ibibigay para makabyahe sa ilang ruta
Next articleBuwanang renta na P10K, pababa tataas ng 4% sa 2024