MANILA, Philippines – Itinaas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa ilang bahagi ng Cagayan at Isabela habang napanatili ng Super Typhoon Betty (international name: Mawar) ang lakas nito habang kumikilos pakanluran hilagang-kanluran, sinabi ng PAGASA ngayong Sabado.
Sa pinakahuling weather bulletin, sinabi ng PAGASA na ang mga sumusunod na lugar ay nasa ilalim ng TCWS No.1:
– ang silangang bahagi ng Cagayan (Santa Ana, Gonzaga, Lal-Lo, Gattaran, Baggao, Peñablanca, Santa Teresita, Buguey) kasama ang Babuyan at Camiguin Islands; at
– ang silangang bahagi ng Isabela (Maconacon, Divilacan, Dinapigue, Palanan, San Mariano, Ilagan City, Tumauini, San Pablo, Cabagan).
Ayon sa PAGASA, ang malakas na hangin ay minimal hanggang maliit na banta sa buhay at ari-arian sa ilalim ng TCWS No. 1.
Namataan naman ang sentro ng bagyo bandang 10 a.m. sa 1,170 km silangan ng Central Luzon (16.4°N, 133.1°E).
Kumikilos pakanluran hilagang-kanluran sa bilis na 30 km/h, si Betty ay may maximum sustained winds na 195 km/h malapit sa gitna, pagbugsong aabot sa 240 km/h, at central pressure na 915 hPa. RNT