MANILA, Philippines – Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 1 sa 12 lugar ngayong Linggo ng umaga habang napanatili ng Bagyong Betty ang lakas nito habang kumikilos sa ibabaw ng Philippine Sea sa silangan ng Northern Luzon, sinabi ng PAGASA sa kanilang bulletin.
Ang mga lugar sa ilalim ng TCWS No. 1 ay:
-Batanes;
-Cagayan kasama ang Babuyan Islands;
-Isabela;
-Apayao;
-Ilocos Norte;
-ang hilaga at gitnang bahagi ng Abra (Tineg, Lacub, Lagayan, San Juan, Lagangilang, Licuan-Baay, Malibcong, Danglas, La Paz, Dolores, Tayum, Bucay, Sallapadan, Daguioman, Bucloc, Boliney);
-Kalinga;
-ang silangan at gitnang bahagi ng Mountain Province (Sadanga, Barlig, Natonin, Paracelis, Bontoc);
ang silangan at gitnang bahagi ng Ifugao (Mayoyao, Aguinaldo, Alfonso Lista, Banaue, Hingyon, Lagawe, Lamut, Kiangan, Asipulo);
-ang hilaga at gitnang bahagi ng Aurora (Dilasag, Casiguran, Dinalungan, Dipaculao);
-Quirino; at
-ang hilagang-silangan na bahagi ng Nueva Vizcaya (Kasibu, Quezon, Solano, Bagabag, Diadi, Villaverde, Bayombong, Ambaguio).
Sinabi ng PAGASA na ang mga nabanggit na lugar ay makakaranas ng malakas na hangin na 39 hanggang 61 km/h sa loob ng 36 na oras, na maaaring may minimal hanggang maliit na banta sa buhay at ari-arian.
Alas-4 ng umaga, ang sentro ng Betty ay tinatayang nasa layong 815 km silangan ng Northern Luzon.
Si Betty ay may maximum sustained winds na 175 km/h malapit sa gitna, pagbugsong aabot sa 215 km/h, at central pressure na 935 hpa.
Kumikilos ang bagyo pakanluran hilagang-kanluran sa bilis na 20 km/h. RNT