Home NATIONWIDE Signature verification babangga sa voter registration-Comelec

Signature verification babangga sa voter registration-Comelec

MANILA, Philippines – Hindi makakapagsagawa ang Commission on Elections (Comelec) ng voter registration at verification of signatures sa People’s Initiative petition ng sabay dahil sa kakulangan ng mga resources at manpower, sinabi ni Comelec chairman George Garcia.

Sinabi ni Garcia na maaring may ma-sakripisyo na isang aktibidad at hindi maipagsasabay ng Comelec.

Aniya ang plano na magsagawa ng voter registration activities sa pampublikong lugar tulad ng malls ay hindi available.

Ang voter registration ay tatakbo hanggang Setyembre . Bagamat katuwang ang local government units para sa rehistrasyon, ang verification ay dapat gawin ng mga tauhan ng komisyon.

Sinabi ni Garcia na masyadong maaga para sabihin kung paano pamamahalaan ng Comelec ang dalawang gawain dahil wala pang naisumiteng petisyon.

Samantala, aniya, titingnan ng mga lokal na tanggapan ng Comelec ang mga signature sheet at aabangan ang mga duplicate bago mag-isyu ng sertipikasyon sa bilang ng mga pirmang isinumite.

Binanggit din na ang Omnibus Election Code ay hindi nagpapahiwatig ng isang pagkakasala para sa pagbili ng lagda.

Hindi tulad ng signature buying, ang pagbili ng boto ay itinuturing na isang paglabag sa halalan.

Ang mga kandidatong napatunayang sangkot sa vote buying ay idiskwalipika ng Comelec. Sinabi rin ni Garcia na kanilang aalamin ang alegasyon ng signature-buying.

Nauna na ring inihayag ng Comelec na maaring bawiin ng mga botante ang kanilang lagda para suportahan ang petisyon na amyendahan ang Konstitusyon sa pamamagitan ng People’s Initiative.

“Sa kasalukuyan hindi namin puwedeng galawin pa ‘yung signature forms na nasa amin,” Garcia also said, “dahil ang purpose lang muna ay ‘yung pagbilang ng kabuuan kung ilan lahat ‘yung lagda na nandiyan,” saad ni Garcia.

Kaugnay nito, hindi na nangangailangan ang Comelec my karagdagang pondo bagamat magastos ang signature campaign para sa isang people’s initiative para sa petisyuner. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

Previous articlePinay na naaresto sa Tokyo tutulungan ng DMW
Next article4 kidnaper naaktuhan ng Pasay police, arestado!