Sikat na Baluarte Zoo sa Vigan City, sarado muna sa publiko

Sikat na Baluarte Zoo sa Vigan City, sarado muna sa publiko

March 15, 2020 @ 1:32 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  
Share

Ilocos Sur, Philippines- Pansamantalang ipinasara ng management ang Baluarte Zoo sa Salindeg, Vigan City  laban sa banta ng coronavirus disease 2019 o COVID-19.

Ang Baluarte Zoo ay isa sa mga unang dinarayo ng maraming turista at bisita galing sa iba’t ibang dako ng bansa pagdating nila sa naturang lungsod.

Sa ngayon ay may nakalagay na tarpaulin sa bandang harapan ng naturang zoo na ang nakasulat ay temporarily closed.

Maging ang mga nagtitinda ng souvenir sa loob at labas ng zoo ay nagsarado rin at hihintayin na magbubukas uli sa publiko ang zoo saka uli sila magtitinda.

Ayon sa management, bubuksan ang zoo oras na kumalma na ang problemang kinahaharap ng ating bansa kaugnay sa coronavirus. Rolando S. Gamoso

Share

Leave a Reply

Loading...