Home METRO Sikat na basketbolista todas sa pamamaril ng tandem sa Obando

Sikat na basketbolista todas sa pamamaril ng tandem sa Obando

Bulacan – Patay ang isang 30 anyos na lalaking gwapo na at mahusay pa sa larong basketball matapos pagbabarilin ng dalawang lalaki sa bayan ng Obando.

Kinilala ng pulisya ang kalunos-lunos na biktima na si Paul Meneses, Obando Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) employee, residente ng Brgy. Paco.

Sa panayam kay Obando chief of police P/Maj. Mark Anthony Tiongson, sinabing naganap ang insidente bandang 3::00 ng madaling araw nitong Hunyo 30 sa isang kainan sa Brgy. Paco.

Ayon kay Tiongson, natukoy na nila ang pagkakakilanlan ng dalawang suspek na tumakas lulan ng motorsiklo, base na rin sa nakalap na CCTV footage at sa salaysay ng saksi.

Puspusan ang isinasagawang pagtugis ng pulisya sa dalawang nagtatagong suspek na inaasahang hindi pa umano nakakalayo.

Sinasabing maaring kilala ng biktima ang mga suspek at isa sa posibleng sinisilip ng pulisya na motibo ng pamamaril ay ang anggulo patungkol sa babae.

Bumuhos ang pakikiramay ng mga kasamahan sa trabaho, mga kalaro at taga-hanga sa basketball, kaibigan, kaanak at mga netizen sa anilay biktimang mabait, masiyahin, lingkod bayan at mahusay na basketbolista. Dick Mirasol III