Home NATIONWIDE Sikat na vlogger inireklamo ng syndicated estafa

Sikat na vlogger inireklamo ng syndicated estafa

MANILA, Philippines- Nagsampa ng reklamo sa National Bureau of Investigation (NBI) ang 30 umano’y mga biktima ng syndicated estafa laban sa vlogger at negosyanteng si Yexel Sebastian dahil sa umano’y junket investment scam.

Si Sebastian ay nahaharap din sa reklamo dahil sa paglabag sa securities and regulation code.

Sinabi ni Atty. Palmer Malari, hepe ng NBI Fraud and Financial Crimes Division na napag-alaman sa kompyutasyon na ang halagang sangkot sa scam ay umaabo sa P50 bilyon.

Sinabi ng isa sa mga biktimang nawalan ito ng P700,000 sa umano’y scam matapos siyang pangakuan na ang kanyang pera ay tutubo ng P35,000 at maibabalik ang kanyang puhunan matapos ang isang taon.

Kabilang sa mga biktima ang mga OFW, empleyado, politiko, celebrity at negosyante.

Ayon pa sa NBI, pinapirma ng respondent ang mga biktima ng kasunduan para lumalabas na pautang at hindi investment ag kanilang ibinigay. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleChocolate Hills resort tatalupan ng DILG Task Force
Next articleDOH nagbabala vs red tide