Manila, Philippines – ATM ay patapos na ang pelikulang Loyalista, The Imelda Papin Story. Ilan na lang sa mga eksena ang kinukunan kasama na rin ang isang big scene.
Sa mga hindi nakakaalam ay maraming sacrifices ang OPM singer na si Imelda Papin sa mga Marcoses.
Para sa kaunting throwback, nu’ng panahon na na-exile ang former president Ferdinand Marcos sa Hawaii ay kainitan nu’n ng career ni Imelda bilang singer and performer pero dahil sa pagmamahal niya sa mga Marcoses ay sumama siya sa pamilya at nag-apply as political assylum at iniwan niya ang kanyang flourishing career.
“May death threat kasi ako nu’n at pinatay na rin ang kasama ko sa National Loyalist Council of the Philippines,” sabi ng former Vice Governor ng CamSur.
Kaya naman kung meron mang isang tao na nakakaalam sa mga tunay na pangyayari sa chronological events sa Marcos fam sa Hawaii, ‘yun ay si Imelda at ‘yun ay ang isa sa mga major narratives ng kanyang biopic.
“Ang proceeds ng pelikula, e, mapupunta sa Actors Guild,” na ang pinatutungkulan ni Imelda ay ang samahan mg mga artistang Pilipino.
“Na-meet ko rin si Kris Aquino nu’n nang nag-guest kami pareho sa isang program. Remember, anak siya ng Aquinos at ako naman, e, kilalang loyalista at sinabi niya sa akin na ang daddy niya, pinatutugtog lagi sa casette ang song ko na Bakit dahil favorite song daw ito ni Ninoy,” kwento pa ni Imelda.
Isa sa mga inaabangan sa pelikula ay ang revelation ni Imelda kung ano ang sikreto no dating presidente Marcos na kanyang nahipo.