Home HOME BANNER STORY Silencer, mga bala buking sa sinalakay na POGO

Silencer, mga bala buking sa sinalakay na POGO

MANILA, Philippines- Nadiskubre ng mga awtoridad ang ilang piraso ng bala ng baril, silencer at mga taser nitong Huwebes sa mga vault ng isang Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hub sa Pasay City.

Naiulat na sinalakay ang nasabing POGO hub nitong Agosto 1, kung saan halos 650 empleyado nito ang nadatnan habang 17 pugante ang nadiskubre sa kanilang hanay.

Sinilip ng mga tauhan ng Department of Justice (DOJ) ang mga vault ng POGO hub nitong Huwebes.

Inabot ng ilang oras bago mabuksan ang isa sa mga vault kung saan nakumpiska ang mga bala ng baril.

“May nahanap po kaming mga bala, silencer, at posas and this indicates na itong mga operators na ito ay involved din sa iba pang mga criminal activities. Mayroon tayong narinig dati na kidnappings among POGO operators so mayroon talaga tayong nakikitang criminal activities other than ‘yung pag-scam,” ani Asec. Mico Clavano, tagapagsalita ng DOJ.

Susuriin umano ng mga awtoridad ang mga kaso na posibleng isampa laban sa mga responsable dito. RNT/SA

Previous articleDOH nakapagtala ng 122 dagdag-kaso ng COVID sa Pinas
Next article2 pulis tetestigo sa pagkamatay ni Jemboy