Home FOOD Silvanas swak sa 50 Best Cookies in the World ng Taste Atlas

Silvanas swak sa 50 Best Cookies in the World ng Taste Atlas

MANILA, Philippines- Silvanas lamang ang Philippine cookie na nakapasok sa 50 Best Cookies in the World list ng Taste Atlas.

Pumwesto ang Silvanas sa ika-25 mula sa 50 global cookies sa listahan ng Taste Atlas, na may rating na apat mula sa limang stars.

Ang Silvanas o sylvanas ay frozen cookies na layer ng buttercream, dalawang cashew-meringue wafers at binalot ng cashew crumbs. Inilarawan ng Taste Atlas ang pagkain bilang “snack version of a traditional Filipino dessert known as sans rival.” Pinakaraniwan ang plain silvanas, subalit may iba pa itong flavors tulad ng strawberry, chocolate, mocha, at iba pa.

Kilala ang Dumaguete sa produktong silvanas na karaniwang ipinampapasalubong ng mga bumibisita sa lugar.

Nanguna ang petticoat tails ng Scotland sa listahan. Kasama naman nito sa top 5 ang makroud el louse cookies ng Algeria, alfajores ng Argentina, stroopwafels ng the Netherlands, at melomakaronas ng Greece.

Ang Taste Atlas ay isang international online publication na sumisiyasat sa mundo sa pamamagitan ng lokal na pagkain. Regular nitong inilalathala ang listahan ng “best foods” sa iba’t ibang kategorya. RNT/SA