Home NATIONWIDE ‘SIM registration’ top search sa Google PH ngayong 2023

‘SIM registration’ top search sa Google PH ngayong 2023

MANILA, Philippines – Inilabas ng Google Philippines ang listahan nito ng most searched keywords para sa taong 2023.

Nanguna sa ‘most searched’ sa balita ngayong taon ang “SIM registration,” kasabay ng pagsasabatas ng pamahalaan sa SIM Registration Act.

“Lakers vs. Warriors” ang nanguna naman sa ‘most searched’ sa sports, “Oppenheimer” sa pelikula at “Say You Won’t Let Go” sa most searched lyrics para sa 2023.

Sina Ahn Bo-hyun at Katy Louise Saunders ang namayagpag sa top searches sa male at female personalities, habang ang “Duty After School” ang nagnuna sa K-drama series.

Kasabay ng anunsyo sa “Year in Search 2023” nagpaalala si Mervin Wenke, Head of Communications and Public Affairs ng Google Philippines, sa mga Filipino na maging alerto pa rin online.

“We’d like to encourage everyone to always think first or verify the information that they see online. That’s why Google is here,” aniya.

Nangako si Wenke na gagawin nila ang lahat ng paraan upang mabigyan ng maayos, eksakto at tamang impormasyon online ang mga Filipino. RNT/JGC

Previous article‘Wag matakot sa China, PH dapat magpadala ng mga barko sa Reed Bank – Carpio
Next articlePulong kay Marcos sa ‘paradigm shift’ sa WPS dispute, ‘di na kailangan – solon