Simbahang Katolika, nagbukas; pari todas sa COVID-19

Simbahang Katolika, nagbukas; pari todas sa COVID-19

May 22, 2020 @ 7:24 PM 6 days ago

  •  
  •  
  •  
Share

Namatay ang isang pari sa isang simbahan sa United States dalawang linggo makaraang magbukas ang simbahan nito para sa kada Linggo na misa at bilang tugon sa pagluluwag ng pamahalaan laban sa Corona Virus Disease-19.

Sa ulat ng Associated Press, nakilala ang pari na si Donnell Kirchner, 79, kura paroko ng Holy Ghost Parish Church sa  Houston, Texas.

Napag-alamang naging positibo na rin ang dalawang iba pang pari, at tatlong lider ng nasabing simbahan makaraan silang isailalim sa COVID-19 test makaraang mamatay si Kirchner nitong nakaraang Mayo 13.

Isinara na rin agad ang nasabing simbahan makaraang magdaos ang mga pari ng mga misa simula noong Mayo 2.

Ngayon, mabilis nang isinasagawa ang contact tracing sa lahat ng mga dumadalo sa mga misa na sinasabing umaabot sa 179 katao na katumbas ng 20 porsyentong pinapayagang dumalo sa bawat pagmimisa kada-Linggo.

Napag-alamang ang pagbubukas ng simbahan ay tugon sa pagpayag ni Texas Gov. Greg Abbott na luwagan ang mga lockdown sa kanyang estado para unti-unting manumbalik sa normal ang buhay ng mga taga-Texas.

Ayon sa ulat, nagsimulang magkaroon ng pneumonia si Kirchner at nagpatingin naman umano sa healthcare clinic at sa isang hospital emergency roon at pinauwi siya makaraang masuri.

Umuwi padiretsol ang pari sa kanyang parokya at naksalamuha nang normal sa ibang mga pari roon.

Makaraan itong mamatay, saka na lang napatunayang may Covid-19 siya na dahilan ng kanyang kamatayan. FRED CABALBAG

Share

Leave a Reply

Loading...