Home OPINION SIMULA NA NG BARANGAY AND SANGGUNIANG KABATAAN ELECTIONS 2023

SIMULA NA NG BARANGAY AND SANGGUNIANG KABATAAN ELECTIONS 2023

NAGSIMULA na nitong August 28, 2023, ang election period para sa Barangay and Sangguniang Kabataan na magaganap sa October 30, 2023.

Mula rin sa araw ng Lunes hanggang sa darating na September 2, 2023, ang pagtanggap ng COMELEC o Commission on Elections ng mga COC o certificate of candidacy ng mga nagnanais na tumakbo bilang Punong Barangay, Sangguniang Kabataan chairperson at mga Kagawad.

Nasa kabuuang 42,027 ang barangay sa bansa. Pinakamarami sa Eastern Visayas na nasa 4,365, kasunod ng Western Visayas na may 4,051, at ang CALABARZON na may 4,019. Pinakakonti naman ang sa SOCCSKSARGEN o ang South Cotabato, Cotabato, Sultan Kudarat, Sarangani at General Santos City na may one 1,096 Barangays.

Taong 2021 pa sana magaganap ang BSK Elections ngunit ipinagpaliban ng Kongreso dahil sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic. Muli itong nire-set ng Kongreso noong taong 2022 at ngayong taon nga magaganap.

Ngunit sa desisyon na inilabas ng Korte Suprema nitong June 2023, idineklara nitong “unconstitutional” ang ginawang pagpapa­liban ng Kongreso ng Barangay and Sangguniang Kabataan SK Elections sa dalawang beses na pagkakataon, kaya naman apektado ang termino ng mga magsisipagwagi sa eleksyong ito dahil dalawang taon lamang sila ng manunungkulan dahil ipinag-utos ng Kataastaasang Hukuman ang pagdaraos ng Barangay and Sangguniang Kabataan Elections sa taong 2025 para maitama ang termino ng Barangay officials.

Nagpaalala naman ang CBCP o ang Catholic Bishops Conference of the Philippines na maging mapanuri at mapili sa mga ihahalal na mga barangay official lalo pa’t nagsisimula sa barangay ang pagbibigay-serbisyo ng pamahalaan bilang “smallest political unit” ng bansa.

Kapag maayos ang pamamahala sa barangay level pa lamang, nagiging maganda rin ang pagpapatakbo ng mga bayan, lungsod at lalawigan.

Sa datos ng COMELEC, aabot sa 91 million ang bilang ng kabuuang botante sa bansa kung saan 66 million ang regular voters habang nasa 25 million ang sa SK.

Alinsunod sa probisyon ng Republic Act No. 11768, may ma­tatanggap na honorarium ang mga mananalong SK Kagawad, dati ay ang SK chairperson lamang, bukod pa sa ibang mga benepisyo.

Previous articleSuper Typhoon Goring nasa dagat pa rin malapit sa Batanes
Next articlePlano ng DTI sa pagpapahusay sa PH food distribution, aprub kay PBBM