Sinas: bawal ang mass gatherings sa pagdiriwang ng Eid’l Fitr

Sinas: bawal ang mass gatherings sa pagdiriwang ng Eid’l Fitr

May 22, 2020 @ 2:58 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  
Share

Manila, Philippines – Pinaalalahanan ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Police Major General Debold Sinas ngayong Biyernes na bawal ang lahat ng kahit anong mass gathering sa pag-obserba ng Eid’l Fitr o ang Feast of Ramadan.

Sa isang press briefing, ayon kay Sinas na nakipagpulong na siya sa mga Muslim leader at pinaalalahanan ang mga ito na dapat sarado muna ang lahat ng mosque sa darating na holiday dahil ipinatutupad pa rin ang quarantine rules.

“Every year talagang nagtitipon-tipon ang mga ‘yan. Kaya nga ang ginawa namin, kinausap namin ang mga Imams na based sa directive ng IATF, close pa rin ‘yung malalaking mosques, wala pa rin pagtitipon kasi ‘yun ‘yung policy ng IATF,” ani Sinas.

Sa kabila nito, pinaghahanda pa rin ni Philippine National Police Chief Archie Gamboa ang mga kapulisan na magbantay sa araw na ito.

“Ang sabi ni chief PNP mag-prepare kami kasi ‘yung mga mosques, guwardiyahan at saka tingnan na ‘yung directive ng IATF ay masunod na walang pagtitipon-tipon o pagdadasal…” dagdag pa ng kontrobersyal na NCRPO chief dahil sa nangyaring manyanita nito.

Nakatakda ring ipakalat ang mga pulis at magbanta sa Luneta at Quirino Grandstand para masiguro na walang mangyayaring malakihang pagtitipon dito na may kaugnayan sa Eid’l Fitr.

Nilinaw din ni Sinas na hindi siya magde-deploy ng mga pulis sa mosque pero iaatas pa rin ang pagpapatrol sa bisinidad. RNT

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading...