MANILA, Philippines – Pinsalamatan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si outgoing Singaporean Ambassador to the Philippines Gerard Ho Wei Hong sa kontribusyon nito lalo na sa ugnayan ng Pilipinas at Singapore.
Ang mensaheng ito ng Pangulo ay ipinaabot niya kay Ho sa isang farewell call sa Malacanang nitong Martes, Mayo 16.
Partikular na sa binanggit ng Pangulo ay ang pagpapalago sa trade at investment mula sa Singapore na naranasan ng bansa sa ilalim ng ambassadorship ni Ho.
Ginawaran naman ng Pangulo ang ambassador ng Order of Sikatuna na may Rank of Datu (Grand Cross) Silver Distinction sa pagkilala sa naging ambag nito sa relasyon ng dalawang bansa.
Kabilang sa mga kapansin-pansing kontribusyon ni Ambassador Ho ay ang pagsuporta sa ilang government-to-government cooperation agreements sa bahagi ng ekonomiya, security at people-to-people exchanges, maging ang hakbang nito sa pagbibigay ng humanitarian assistance sa bansa sa panahon ng kalamidad at kasagsagan ng COVID-19 pandemic.
Nakumpleto na ni Ho ang kanyang apat na taon na tour of duty sa Pilipinas bilang top diplomat ng Singapore. RNT/JGC