Home NATIONWIDE Singaporean envoy ginawaran ni PBBM ng Order of Sikatuna

Singaporean envoy ginawaran ni PBBM ng Order of Sikatuna

390
0

MANILA, Philippines- Inihayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pasasalamat kay outgoing Ambassador of the Republic of Singapore to the Philippines Gerard Ho para sa kanyang papel sa pagpapaigting ng relasyon sa pagitan ng dalawang bansa.

Iginawad ni Marcos ang Order of Sikatuna with the Rank of Datu (Grand Cross) Silver Distinction sa Singaporean envoy bilang pagkilala sa kanyang kontribusyon sa pagpapalakas ng partnership sa pagitan ng Pilipinas at Singapore.

“We thanked our dear friend, H.E. Gerard Ho Wei Hong, outgoing Ambassador of the Republic of Singapore to the Philippines, as we conferred upon him the Order of Sikatuna with the Rank of Datu, Silver Distinction, in recognition of his instrumental role in effecting many milestones in our bilateral ties,” pahayag ng Pangulo.
Advertisement

Binati rin niya si Ho sa kanyang bagong assignment bilang incoming Permanent Representative of Singapore to ASEAN sa Jakarta.

“We wish him the very best on this new endeavor,” aniya. RNT/SA

Previous articleGold sa SEA Games special kay Brownlee
Next articleJa Morant muling sinuspinde ng Memphis

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here