Home NATIONWIDE Singil sa kuryente sa Nobyembre tataas

Singil sa kuryente sa Nobyembre tataas

MANILA, Philippines – Tataas ang singil sa kuryente ng P0.23 per kilowatt-hour (kWh) sa Nobyembre.

Nangangahulugan ito na ang pangkaraniwang tirahan ay magbabayad ng P12.0545 per kWh, mula sa P11.8198 per kWh noong Oktubre.

Ayon sa electric power company, ang pagtaas sa singil sa kuryente ay dahil sa paglobo ng transmission and generation charges.

Sinabi ng Meralco na ang transmission charges ay tumaas ng P0.1211 per kWh kasunod ng mas mataas na ancillary charges.

Dagdag pa ng distributor na ang ancillary service charge ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa regulasyonn ng reserves ay tumaas ng halos apat na beses, mula P23.17 per kW patungong P91.35 per kW.

Samantala, ang generation charge ay tumaas din sa P7.1938 per kWh mula P7.1267 per kWh noong Oktubre, dahil sa mas mataas na charge mula sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM) at independent power producers (IPPs).

Ang WESM charges ay tumaas ng P1.0933 per kWh dahil sa manipis na supply conditions sa Luzon grid, habang ang singil mula sa independent producers ay tumaas din dahil sa mababang dispatch, at pagtaas sa presyo ng Malampaya natural gas kasunod ng quarterly repricing nito.

Sa kabila nito, sinabi ng Meralco na ang P0.2980 per kWh na bawas sa power supply agreement (PSA) charges ay nagpagaan kahit papaano sa dagdag sa generation charge.

Nangangahulugan ito na ang power rates ay tataas sa mga sumusunod na halaga:

200kwh consumption – P47 increase
300kwh consumption – P70 increase
400kwh consumption – P94 increase
500kwh consumption – P117 increase. RNT/JGC

Previous articleVP Sara dumalo sa Senate 2024 budget deliberation ng OVP, DepEd
Next articlePaul Soriano wala na sa DOT