Home METRO Single journey e-tickets ng LRT-1, mabibili na sa Maya apps

Single journey e-tickets ng LRT-1, mabibili na sa Maya apps

301
0

MANILA, Philippines- Maari nang makabili ng single journey e-tickets ang mga pasahero ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa digital banking app Maya.

Ipinakita ng Maya at ni Light Rail Manila Corporation (LRMC) Chair Manuel V. Pangilinan ang “end-to-end digitalization” ng LRT-1 transactions nang ilunsad ito sa LRT-1 EDSA Station nitong Huwebes.

Sinabi ni Panganiban na nagmamarka ng isang makabuluhang milestone sa pampublikong transportasyon ang LRT-1 QR Ticketing project kung saan ang lahat ay masisiyahan sa mas mabilis, mas ligtas, at mas maginhawang digital transaction.

Gamit ang Maya app, ang mga pasahero ng LRT-1 ay maaaring bumili ng quick response (QR) ticket sa pamamagitan ng pagpunta sa ‘Services’ section, pagpili sa LRT-1 tile sa ilalim ng ‘Lifestyle’ category, at pagpili ng kanilang gustong ruta, pinanggalingan, at destinasyon bago pagbabayad para sa isang journey e-ticket

Magiging valid naman ang LRT-1 QR ticket sa loob ng 24 na oras at maaaring i-scan sa mga nakatalagang “fast lane” turnstile na may QR scanner sa lahat ng LRT-1 stations.

Para isulong ang digital service, nag-aalok ang Maya sa mga pasahero ng LRT-1 ng isang libreng sakay bawat buwan sa anyo ng mga cashback voucher hanggang Agosto 31, 2023.

Sumusunod din ang serbisyo sa layunin ng Department of Transportation (DOTr) at Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na contactless payment sa public transportation.

Sinabi ni LRMC president at CEO Juan Alfonso na ang pakikipagtulungan sa Maya ay isang pangunguna sa teknolohiya sa railway sector ng bansa. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articlePBBM sa publiko: Pinas handa sa pagtama ni ‘Mawar’
Next articleDSWD nagpadala ng 1M food packs bilang paghahanda sa pagtama ni ‘Mawar’

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here