Home HOME BANNER STORY Single ticketing system sa NCR, pilot test pa rin – MMDA

Single ticketing system sa NCR, pilot test pa rin – MMDA

305
0
MMDA-REMATE FILE PHOTO

MANILA, Philippines – Nasa pilot run pa rin ang single ticketing system sa National Capital Region.

Sinabi ito ng Metro Manila Council (MMC) dahil inaayos pa umano ang ilang mga kinakailangan para mag-set up ng digital payment platforms para sa ganap na pagpapatupad ng nasabing iskema.

“Sa single ticketing system, tuloy-tuloy naman po yung pag-pipilot natin pero soon magfu-full implementation na tayo.” ani Metropolitan Manila Development Authority chairperson Romando Artes sa isang press conference.

“May kaunting lamang pong inaayos which is maganda po habang kaunti pa yung nag-iimplement ay nakikita,” aniya pa.

Sinabi ni San Juan City Mayor Francis Zamora, MMC president, na ginagawa pa rin nila ang pagtukoy sa halaga ng bond sakaling mabigo ang digital payment platforms na i-remit ang koleksyon ng multa mula sa mga motorista.

Sinabi ni Zamora na nananawagan ang MMC sa mga digital payment platforms na magkaroon ng unified bond para sa lahat ng 17 local government units sa Metro Manila.

Noong Agosto, sinabi ng MMDA na ang buong rollout ng single ticketing system sa National Capital Region ay magsisimula sa Setyembre.

Layunin ng single ticketing system na magtatag ng pare-parehong patakaran sa mga paglabag sa trapiko at sistema ng parusa sa Metro Manila.

Sasakupin nito ang Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela, Quezon City, Marikina, Pasig, Taguig, Makati, Manila, Mandaluyong, San Juan, Pasay, Parañaque, Las Piñas, Muntinlupa, at Pateros. RNT

Previous article304 kakandidato tinapatan ng show cause order sa election offenses
Next articleIRR ng Agrarian Emancipation Act tinintahan na ni PBBM

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here