Home HOME BANNER STORY Sinibak o nagbitiw? ‘Termination of appointment’ ni Magno, inaasahan na

Sinibak o nagbitiw? ‘Termination of appointment’ ni Magno, inaasahan na

296
0

MANILA, Philippines – TULUYAN nang tinuldukan ng Malakanyang ang appointment ni Finance Undersecretary Cielo Magno dahil sa ‘di umano’y hindi nito pagsuporta sa administrasyong Marcos.

Inanunsyo ni Magno ang kanyang pagbibitiw sa puwesto, araw ng Huwebes, ilang araw matapos na mag-post sa social media ng isang graph na naglalarawan sa “law of supply and demand” na may caption na “I miss teaching.”

Ang post ni Magno ay tila patutsyada sa naging kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na nagbibigay mandato sa rice ceiling sa dalawang uri ng bigas para rendahan ang sumirit na halaga ng kalakal.

Gayunman, sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin, na kapansin-pansin na kontra si Magno sa polisiya ng administrasyon.

Si Magno ay matagal ng kilala ng publiko sa social media bago pa maupo bilang halal na Pangulo si Marcos.

Tinawag naman ng Malakanyang na “termination of appointment” ang nangyari kay Magno.

“The termination of her appointment could only be expected as she clearly does not support the administration and its programs for nation-building,” ayon kay Bersamin sa isang kalatas.

“Instead of working together with colleagues in the government to address any concerns, they were instead constantly done so through public fora,” dagdag na wika nito.

Tinuran pa ni Bersamin na tila ‘labag sa kalooban’ ni Magno ang maging bahagi ng administrasyong Marcos lalo pa’t una pa lamang ay malinaw nang pinupuna at binabakbakan nito ang administrasyong Marcos

Bago pa magbitiw sa kanyang puwesto, pinangunahan ni Magno ang talakayan kaugnay sa pagreporma sa military at uniformed personnel pension system, at itinulak ang mas mataas na buwis sa pagmimina.

Giit pa ni Magno, ang bumalik sa akademiya ay magbibigay sa kanya ng plataporma na kailangan niya para sa “advocate for good policies.”

Samantala, magiging epektibo naman ang pagbibitiw sa puwesto ni Magno sa Setyembre 16.

Previous article1M indibidwal hagip nina Goring, Hanna, Ineng
Next articlePagbili ng avian flu vaccine magpapababa sa presyo ng manok at itlog – Romualdez

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here