Home FOOD Sinigang swak sa 100 Best Dishes in the World ng TasteAtlas

Sinigang swak sa 100 Best Dishes in the World ng TasteAtlas

MANILA, Philippines- Pasok ang sinigang, popular na pagkaing-Pinoy na may maasim na sabaw, sa listahan ng TasteAtlas ng 100 Best Dishes in the World, sa ika-97 pwesto.

Base sa website ng TasteAtlas, kabilang sa 100 putahe sa listahan ang nakatanggap ng pinakamataas na ratings batay sa mahigit 395,000 user ratings.

“With its sour lightness perfectly matching the harsh tropical heat of the country, sinigang is a unique soup that is a true representative of Filipino cuisine,” anang TasteAtlas.

Karaniwang ginagamit sa pagluluto ng sinigang ang karne ng baboy, hipon, o bangus na sinasamahan ng mga gulay na sibuyas, kamatis, sitaw, kangkong, at talong.

Inilista rin ng TasteAtlas ang mga lugar kung saan makatitikim ng sinigang kabilang ang Locavore, Max’s, Romulo Café, at The Aristocrat. RNT/SA

Previous articleCAAP: Higit 2M air passengers inaasahan ngayong Disyembre
Next articleLGBTQA+ suportado ang pelikula ni Christian!