Home METRO Sinulog fluvial parade dinagsa ng mga deboto

Sinulog fluvial parade dinagsa ng mga deboto

MANILA, Philippines- Libo-libong indibidwal ang nakibahagi sa Sinulog fluvial parade sa Cebu City nitong Sabado.

Nagsimula ang fluvial parade bandang alas-6 ng umaga ayon sa ulat.

Mahigit 200 registered vessels ang nakilahok sa parada ng imahe ng Senior Sto. Niño, Our Lady of Guadalupe, at St. Joseph the worker o ang “Sagrada Familia.”

Sa nasabing parada, nagtipon ang mga deboto sa iba’t ibang lokasyon upang silayan ang mga imahe.

Nakaantabay naman ang sea marshals upang tiyakin ang kaligtasan ng mga kalahok na vessels at mga deboto.

Bahagi ang fluvial parade ng Sinulog Festival ngayong taon.

Naghanda ang lungsod ng ilang aktibidad city upang ipagdiwang ang kapistahan ng Santo Niño, na ginugunita tuwing ikatlong Linggo ng Enero kada taon. RNT/SA

Previous articleManagement ni Ian, nagpaliwanag sa isyu sa TF!
Next articleMinero patay sa panibagong landslide sa Davao de Oro