Home ENTERTAINMENT SISTAR19 may comeback!

SISTAR19 may comeback!

SOUTH KOREA – Kaabang-abang na ang comeback ng sub-unit ng SISTAR na SISTAR19!

Ito ay matapos ianunsyo ng Starship Entertainment nitong Biyernes, Nobyembre 17, ang comeback nina Hyolyn at Bora sa January 2024.

Sa naturang comeback, inaasahan na magkakaroon ng bagong style ang duo mula sa kanilang style 11 years ago. For sure ay sasabay din ito sa bagong trend ng mga musika nowadays.

Matatandaan na nag-debut ang SISTAR19 noong 2011 sa kanilang single na “Ma Boy” at sinundan ng “Gone Not Around Anymore” noong 2013. RNT/JGC

Previous articleNuclear energy sa Pinas bubusisiin ng Meralco-USNC
Next articleJulia, binansagang sex symbol, na-flatter!