Home NATIONWIDE Sistema ng paglalabas ng SRP bulletins binubusisi ng DTI; consumer group nababahala

Sistema ng paglalabas ng SRP bulletins binubusisi ng DTI; consumer group nababahala

MANILA, Philippines- Pinag-aaralan ng pamahalaan ang posibilidad ng pagkalos sa lumang sistema ng paglalabas ng regular Suggested Retail Price (SRP) bulletins, ayon sa isang Department of Trade and Industry (DTI) official.

“Ini-explore natin kung we will retain the current practice na regular tayong naglalabas ng SRP or gagawin nating tuwing may kalamidad na lang, kapag nagpa-price freeze, in which case wala na ‘yung bulletin natin ang we will let the market decide, parang free market na ‘yung style natin,” pahayag ni DTI Assistant Secretary Amanda Nograles sa ulat nitong Huwebes.

Batay sa ulat, tinalakay ito sa pulong ng National Price Coordinating Council nitong Miyerkules.

Inihayag naman ng asosasyon ng supermarket at grocery operators ang suporta para sa panukala.

“Competition keeps us in check. Don’t buy those items na masyadong mataas ang itinaas. Ang daming brands. Pag lahat sila nagtaas, may papasok na bagong players,” pahayag ni Steven Cua ngPhilippine Amalgamated Supermarkets Association Inc. sa parehong report.

Samantala, sa hiwalay na ulat, nagbabala ang consumer group nitong Huwebes laban sa nasabing panukala, at sinabing maaari itong magresulta sa “runaway price increases.” 

Assistant Secretary Amanda Nograles said the Department of Trade and Industry is studying the removal of SRPs, citing World Bank and Department of Justice studies showing the price caps do not support competition and fair trade. 

Sinabi ni SUKI Network spokesman Prof. Reginald Vallejos na dapat pakinggan ng DTI ang panig ng consumers bago kalusin ang price caps sa mga pangunahing bilihin.

“Napakahalaga na merong SRP. Kung hindi, aalagwa ‘yung presyo ng mga produkto at kawawa ‘yung mga consumer,” wika niya.

“Pag tinanggal mo ‘yan, bibigyan ng kalayaan ‘yung mga manufacturers na taasan ng taasan ‘yung mga produkto, hindi na makakahabol ‘yung mga consumer doon sa presyo nila.” RNT/SA

Previous articleAlden, in-announce na ang girlet na hanap!
Next articlePinsala ng El Niño higit P700K na