Home ENTERTAINMENT Sitcom ni Bong, real life story nila ni Lani!

Sitcom ni Bong, real life story nila ni Lani!

Manila, Philippines – Binanggit mismo ng actor/senator na si Ramon “Bong” Revilla Jr. na ang ‘Walang Matigas Na Pulis sa Matinik na Misis’ may reflect his real-life story.

“Actually, itong istorya ng Walang Matigas na Pulis, this is my life story,” sabi niya.

Ang sitcom na ito na pinalalabas ngayon sa GMA7 ay base sa kanyang two movies noong 1994, ‘Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis’ and noong 1997 na ‘Yes Darling: Walang Matigas na Pulis 2′.

“Ang pagkakalapit lang doon ay ‘yung pagiging malapitin sa tsiks. Hindi, trabaho lang ito,” biro niya.

Binanggit din ni Bong na ang kanyang asawang si Congresswoman Lani Mercado ang nagpatibay ng kanilang relasyon bilang mag-asawa.

“Very understanding na asawa si Lani. Siguro dahil sa sobrang kapilyuhan ni Bong Revilla, kung hindi niya na-accept ‘yung kapilyuhan ko noon, noon ha, siguro wala na. Pero dahil sa kanya, kaya steady kami, matibay ang relasyon.

“Basta ang importante sa isang relasyon ‘yung pagmamahal at tiwala sa isa’t isa. Maraming pagsubok ang dumadating basta no matter what, kayo pa rin. Kita mo naman kami ni Lani hanggang ngayon kami pa rin.”

Banggit pa ni Bong na ang problema ay hindi dapat iniiwang unresolved before the day ends.

Revilla and Mercado tied the knot in 1986, marking this year as their 37th wedding anniversary.

Happy din si Senator Bong sa magandang takbo ng rating ng kanyang sitcom. Kasama niya rito sina Beauty Gonzalez at Max Collins.

Ayon sa NUTAM People Ratings data, nakapagtala ang second episode nito ng 13.4 percent na higit na mas mataas sa rating ng pilot episode na 12.3 percent.

Patuloy ang pagsuporta ng Kapuso viewers na linggo-linggong sinusubaybayan ang programa.

“Every Sunday lagi ko pong pinapanood si Senator Bong Revilla sa Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis. Idol na idol ko po kayo Senator Bong Revilla mula noon hanggang ngayon. God bless po,” sabi pa ng isang loyal viewer.

Hirit naman ng isa pang supporter, “Inaabangan ko lagi ‘yan, Idol! Congratulations po, Tolome!”

Ang ‘Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis’ ay napapanood tuwing Linggo, 7:50 p.m., sa GMA. JP Ignacio

Previous articleAngeline at jowa, pinag-uusapan na ang kasal!
Next articleNat’l taxes share ng mga LGU, aabot sa P878.38B sa 2024 – DBM