Home NATIONWIDE Sitwasyon ng COVID sa China, binabantayan na naman!

Sitwasyon ng COVID sa China, binabantayan na naman!

381
0

MANILA, Philippines – Muling binabantayan ng ilang local health experts sa bansa ang sitwasyon ng COVID-19 sa China, kung saan posible umanong umabot sa 65 milyon kada linggo ang mahahawaan sa Hunyo dahil sa XBB variant.

Sa ulat, sinabi kasi ng isang Chinese senior health adviser na nakapagtatala ng pagtaas sa kaso ng COVID-19 sa China simula pa noong Abril.

Ang populasyon ng China ay nasa 1.4 bilyon.

Ayon kay infectious disease expert Dr. Rontgene Solante, posible namang nalampasan na ng Pilipinas ang peak ng XBB variant.

“I think naranasan na natin ang spike ng XBB which is the XBB.1.16. So I think we have gone from 24% positivity tapos nag-plateau na tayo at nalampasan na natin ang XBB,” ani Solante.

“In Luzon there are areas na pataas pa lang sya. Oriental Mindoro, Palawan, Pangasinan, and Tarlac, we saw increases in positivity rate so its not the same in the whole country,” sinabi naman ni OCTA Reseasrch fellow Dr. Guido David.

“Another wave is possible but it may not be as bad as what we see in China because we have I believe a stronger immunity as a nation because of our heterologous vaccine portfolio. Iba-iba ‘yung brands and boosters,” pagpapatuloy niya.

Samantala, hinimok naman ni Solante ang publiko na patuloy na sumunod sa health protocols katulad ng pagsusuot ng mask sa mga pampublikong lugar.

Aniya, makatutulong din ang bivalent COVID-19 vaccine para maiwasan ang virus.

“The bivalent has more advantage now than mono because of the ability of XBB to avoid our immune system,” pagtatapos ni Solante. RNT/JGC

Previous articleP182M jackpot sa Ultra Lotto 6/58, mailap pa rin!
Next articlePeriod tracker app sa mga batang babae inilunsad ng DOH

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here