Home NATIONWIDE Sitwasyon sa Gaza ikinalungkot ni Pope Francis

Sitwasyon sa Gaza ikinalungkot ni Pope Francis

MANILA, Philippines- Ikinalungkot ni Pope Francis noong Lunes ang desperadong sitwasyon ng mga Palestinian sa Gaza at nanawagan para sa agarang tigil-putukan at pagpapalaya sa mga bihag sa kanyang mensahe sa Pasko.

“My heart grieves for the victims of the abominable attack of 7 October, and I reiterate my urgent appeal for the liberation of those still being held hostage,” bahagi ng tradisyunal na Urbi et Orbi message ng papa.

“I plead for an end to the military operations with their appalling harvest of innocent civilian victims, and call for a solution to the desperate humanitarian situation by an opening to the provision of humanitarian aid,” pahayag pa ng Santo Papa sa libo-linong mananampalataya na nagtipon-tipon sa Saint Peter’s Square sa Vatican.

Halos tatlong buwan matapos magsimula ang labanan sa pagitan ng Israel at Hamas, ang makataong sitwasyon sa Gaza Strip ay sakuna ayon sa United Nations, na may 85 porsyento ng populasyon ang lumikas.

Nanawagan din ang papa para sa resolusyon ng Israeli-Palestinian conflict “sa pamamagitan ng taos-puso at matiyagang pag-uusap sa pagitan ng mga partido, na pinapanatili ng malakas na pampulitikang kalooban at suporta ng internasyonal na komunidad.”

Sa kanyang mensahe sa Bisperas ng Pasko noong Linggo, nanawagan ang papa para sa kapayapaan sa Banal na Lupain.

“Tonight, our hearts are in Bethlehem, where the Prince of Peace is once more rejected by the futile logic of war, by the clash of arms that even today prevents him from finding room in the world,” sabi ni Francis. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleBangkang napinsala sa pagbangga babayaran ng Chinese firm – PCG
Next articleKelot tiklo sa ‘extortion’