Home NATIONWIDE Siyam na ‘Manlilikha ng Bayan for 2023’ idineklara ni PBBM

Siyam na ‘Manlilikha ng Bayan for 2023’ idineklara ni PBBM

MANILA, Philippines – OPISYAL na ipinalabas ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Proclamation No. 427, nagdedeklara ng siyam na artists bilang “Manlilikha ng Bayan for 2023”, pagkilala ito sa kanilang natatanging galing, kung saan umabot sa “high level” ng technical at artistic excellence.

Sa dalawang- pahinang proklamasyon na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas P. Bersamin noong Disyembre 15, kinilala ng Pangulo ang siyam na “Manlilikha ng Bayan for 2023” bilang sina Adelita Romualdo Bagcal, Abina Tawide Coguit, Sakinur-ain Mugong Delasas at Bundos Bansil Fara.

Kasama rin sina artists Marife Ravidas Ganahon, Amparo Balansi Mabanag, Samporonia Pagsac Madanlo, Barbara Kibed Ofong at Rosie Godwino Sula na idineklara sa ilalim ng Proclamation No. 427 bilang “Manlilikha ng Bayan for 2023.”

Sina Bagcal (master ng Oral Traditions mula Banna, Ilocos Norte) at Coguit (embroiderer mula La Paz, Agusan del Sur) ay kinilala para sa pangangalaga at pagpo-promote ng Dallot at iba pang Ilocano oral traditions at Agusan Manobo suyam (embroidery) tradition.

Ang Delasas (Sama master ng traditional dance mula Bongao, Tawi-Tawi) at Fara (T’boli brasscaster mula Lake Sebu, South Cotabato) ay kinilala rin para sa commitment nito na pangalagaan at i-promote ang Sama igal (dance) tradition aat ang T’boli temwel (brasscasting) tradition.

Kinilala rin ng Punong Ehekutibo ang Ganahon, isang Higaonon mat weaver mula Malaybalay, Bukidnon para sa naging kontribusyon nito sa Higaonon ikam (mat weaving) tradition.

Gayundin ang Mabanag (Ga’dang embroider mula Paracelis, Mountain Province) at Madanlo (isang Mandaya ikat weaver mula Caraga, Davao Oriental) ay kinilala para sa pangangalaga at Pago-promote ng Ga’dang manu’bak at ameru (breadworks and embroidery) traditions; at ang Mandaya dagmay (ikat weaving) tradition.

Kinilala naman ang Ofong (T’boli ikat weaver mula Lake Sebu, South Cotabato) at Sula (T’boli chanter mula Lake Sebu, South Cotabato) para sa kanilang commitment na pangalagaan at I-promote ang T’boli t’nalak (ikat weaving) tradition at ang T’boli lingon (chanting) tradition. Kris Jose

Previous articleMga tindahan ng paputok sa Bocaue ininspeksyon ng DTI
Next articleTaxi driver na naningil ng P10K sa pasaherong Taiwanese, tinutugis