Home METRO SK kagawad hiniwalayan ng dyowa, nagpakamatay

SK kagawad hiniwalayan ng dyowa, nagpakamatay

BURGOS, Isabela – Posibleng dahil umano sa pag-ibig ang nag-udyok sa isang Sangguniang Kabataan Kagawad at isang mister na lasenggero para wakasan ang kanilang sariling buhay sa pamamagitan ng pagpatiwakal sa Burgos, Isabela.

Ang bagong halal na SK Kagawad ay isang 19 anyos na binata at residente ng Brgy. Masigun, Burgos, Isabela.

Sa pagsisiyasat ng pamunuan ni PMaj. Jonathan Ramos, hepe ng Burgos Police Station, nitong mga nakalipas na araw ay mayroong alitan ang biktima sa kanyang kasintahan na may iba na umang kasintahan.

Naririnig din umano ng ina ng biktima na kausap nito sa cellphone ang kanyang kasintahan habang sila ay nag-aaway.

Una rito, nagtungo sa isang lamay ang biktima kasama ang mga kaibigan at doon ay nagkaroon sila ng inuman.

Nang pauwi na ang biktima, sinabihan nito ang kanyang kaibigan ng “MAUDI ATOY NGA PANAGKITA TAN” sa salitang ilokano o “ito na ang huli nating pagkikita.”

Tumambad sa tiyuhin ng biktima ang nakabigti at nakasabit nitong katawan sa terrace ng kanilang bahay gamit ang isang jersey na damit.

Kumbinsido naman ang pamilya na winakasan ng biktima ang kanyang sariling buhay kung kayat hindi na isinailalim sa post mortem examination ang bangkay nito.

Nakatakda namang ilibing sa Enero 27 ang nasawing SK Kagawad.

Samantala, nagpakamatay din ang isang mister na lasenggero matapos din umanong hiwalayan ng kanyang kasintahan na isang Guest Relation Officer o GRO sa isang videoke bar sa Pascual Village, Brgy. San Antonino, Burgos, Isabela

Nagbaril sa sarili ang biktimang 51 anyos, may- asawa at residente ng San Mateo, Quirino, Isabela.

Una rito, nag-inuman ang biktima at kaibigan nito sa isang videoke bar at pag-uwi nito sa kanyang tinutuluyan na inakalang magpapahinga lamang dahil sa kalasingan ay nagbaril sa sarili gamit ang cal.38 revolver.

Naliligo na ng sariling dugo nang makita ang biktima dahil sa tinamong sugat sa ulo na sanhi ng kanyang ikinamatay matapos magpatiwakal. Rey Velasco

Previous articleMiyembro ng “Sputnik Gang” swak sa baril at shabu sa Pasay
Next articleLolo nahulog sa kanal, dedbol!