Manila, Philippines – After days of being bashed on social media, mukhang nahimasmasan na si Slater Young and admitted his mistake.
Matatandaang ikinadismaya ng netizens lalo na ng supporter nila ng asawang si Kryz Uy ang pahayag nito tungkol sa pagiging normal ng pagpapantasya ng mga lalaki sa ibang babae habang in a relationship sila.
Bihira ang mga nagtanggol at naglipana ang mga batikos kay Slater.
He actually even tried to defend himself sa naging pahayag pero eventually, humingi rin ito ng tawad.
“I finally realized na ‘Oh my God, I really made a mistake because I’m giving power to say it’s okay.’
“I should have set a better example. I should have called it out na yes it happens but this isn’t okay,” part of Young’s apology and explanation.
Kilala ang mag-asawang Kryz at Slater dahil sa podcast nila kung saan naibabahagi nila sa netizens ang relasyon nila bilang mag-asawa that people look up to dahil they appear to be super healthy as a couple.
After this issue, ma-gain pa kaya ulit ni Slater ang pagiging “standard” nito sa mga kababaihan when it comes to choosing their partner in life?