Smarmatic papalitan na ng COMELEC

Smarmatic papalitan na ng COMELEC

March 3, 2020 @ 4:27 PM 4 months ago

  •  
  •  
  •  
Share

Manila, Philippines – Malapit nang magwakas ang “paghahari” ng Smartmatic tuwing halalan dahil nakatakda nang gumamit ang Commission on Elections (Comelec) ng hybrid election system sa 2022 presidential elections.

 

Sa pahayag, sinabi ni Atty. Marlon Casquejo sa ginanap na pagdinig ng Senate committee on electoral reform and people’s participation sa pamumuno ni Senador Imee Marcos, na gagamitin ang katulad ng sistema sa pagboto tulad ng shading ngunit sa halip na oval, gagawin itong square.

 

Si Casquejo ang naglatag ng bagong hybrid election system sa Comelec.

 

Aniya, gagamitin din ang Comelec ng printed ballots para sa tallying ng boto na magsisilbing basehan sakaling magkaroon ng election protesta ang sinumang kandidato.

 

“Pinag-aaralan din ng Comelec ang online o mobile apps voting system para sa mga landbased at offshore overseas Filipino workers at absentee voters,” ayon kay Casquejo.

 

Inayudahan naman ito ni Marcos sa pagsasabing “hindi na dapat mabahiran ng anumang dayaan ang nakatakdang presidential elections sa 2022 upang maging kapani-paniwala at malinis ang mandato ng tao.”

 

Sinabi pa ni Marcos na hindi kailangan na saksakan ng high tech dahil hindi ito abot-kaya pero wag naman anyang sinauna o  “Jurassic” na sistema.

 

“We are trying to address na once you put the ballot into the machine, makikita mo saan napunta balota mo, at magsisimulate yung bilangan para makita mo,” paliwanag ni Marcos.

 

“There are discussions na dagdagan ng resibo or else i-project yung balota sa counting para talagang makita ng tao. Wag na yung “tara-tara system” kasi napakatagal, i-encode pa after that. Pati yung ating IT experts sinasabi kung ano yung mga kapalpakan ng ating election system ngayon,” ayon pa kay Marcos.

 

Sinuportahan naman ni Sen. Francis Tolentino ang pagsusulong ng bagong hybrid election system kontra daya.

 

Si Tolentino na naging biktima ng umanoy dayaan at nagharap ng election protest laban kay detained Senator Leila de Lima noong nakaraang 2016 Senatorial elections.

 

Sinabi naman ni DICT Usec. Eliseo Rio na makatitipid ng humigit-kumulang sa P200-milyon ang gobyerno sa implementasyon ng hybrid election system.

 

Ang panukalang batas ay sinusuportahan ito ng ibat-ibang election watchdogs tulad ng  National Citizen’s Movement for Free Elections(NAMFREL), Parish Pastoral Council for Responsible Voting(PPCRV), Legal Network for Truth Elections (LENTE),  Democracy Watch, Institute for Political and Electoral Reform (IPER), Tanggulang Demokrasya (TANDEM) at ilang information tech expert.  Ernie Reyes

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading...