Home NATIONWIDE Smartmatic, 2 pang kompanya may bidding docs na sa 2025 poll

Smartmatic, 2 pang kompanya may bidding docs na sa 2025 poll

MANILA, Philippines – Tatlong international technology companies kabilang ang Smartmatic Philippines ang bumili ng bidding documents para sa automated election system (AES) project sa 2025 midterm polls, sinabi ng Commission on Elections (Comelec).

Sa pre-bid conference sa Maynila, sinabi ng Comelec – Special Bids and Awards Committee (SBAC) na dalawa pang kumpanya — ang Pivot International and Miru Systems Co. Ltd. — ay nakuha ang bidding documents para sa Full Automation System na may Transparency Audit/Count (FASTrAC) na proyekto. Binili ng tatlong kumpanya ang bidding documents noong Oktubre 31.

Sinabi ni Comelec spokesperson at SBAC vice chairperson John Rex Laudiangco na inaasahan nila ang mas marami pang kumpanya na bumili ng bidding documents para sa AES project na nagkakahalaga ng P18.8 bilyon.

“Right when we started this, we saw that there are many interested companies. This is why we pushed through with this competitive public bidding process,” ani Laudiangco

Lahat ng mga prospective na bidder ay maaaring makakuha ng kumpletong set ng mga dokumento sa pag-bid mula sa SBAC secretariat sa FEMII building sa Intramuros, Manila, mula alas 8 ng umaga hanggang alas 4 ng hapon , Lunes hanggang Biyernes, hanggang Nob. 20.

Maaring I download ang bidding documents ng libre mula sa website ng Philippine Government Electronic Procurement System at sa Comelec website.

Ang mga bidder ay magbabayad ng P75,000 fee para sa kumpletong hanay ng mga dokumento.

Ang deadline para sa pagsusumite ng mga bid ay sa Nob. 28 sa alas-9 ng umaga sa SBAC secretariat.

Ang mga bid ay magbubukas ng 10:30 ng umaga sa araw ng deadline sa Comelec hall sa Palacio del Gobernador building, sa Intramuros.

Binili ng Smartmatic na nakabase sa United Kingdom ang mga bidding documents sa kabila ng nakabinbing disqualification case na isinampa sa poll body.

Ilang petitioner ang kumwestyon sa pagiging karapat-dapar ng Smartmatic bilang provider ng automated election system at vote-counting machines sa 2025 at mga kasunod na botohan dahil sa umano’y kabiguan nitong sumunod sa ilang minimum system capabilities. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

Previous articleKanselasyon ng pasaporte ni Teves target ng DOJ
Next articleOil price rollback ngayong Martes, Nob. 14