Home HOME BANNER STORY Smartmatic pinabubusisi ng ex-DICT chief sa iregularidad sa 2022 poll

Smartmatic pinabubusisi ng ex-DICT chief sa iregularidad sa 2022 poll

MANILA, Philippines – Naghain ng isang petisyon sa Commission on Elections upang humiling ng pagsusuri sa mga kwalipikasyon ng poll automation technology provider na Smartmatic kaugnay ng mga naiulat na iregularidad noong 2022 general elections.

“The serious and material irregularities in the transmission and reception of election results in the AES (automated election system) provided and deployed by Smartmatic during the 09 May 2022 elections constitute a violation of the minimum system capabilities required by law, and if not satisfactorily explained, constitute sufficient grounds for the disqualification of Smartmatic from participating in the procurement for the 2025 Automated Election System,” saad sa petisyon na inihain ni Eliseo Rio Jr., dating kalihim ng Department of Information and Communications Technology, at tatlong iba pa.

Binanggit din ang mga naiulat na iregularidad sa pagitan ng transmission logs at reception logs ng election returns mula sa precinct level hanggang sa transparency server (TS) ng komisyon.

Sinabi ng petitioner na ang TS ay tumatanggap at nagbibilang ng mas maraming boto kaysa sa ipinapadala ng mga voting machinec mula 7pm hanggang 9 ng gabi noong May 9, 2022.

“These material discrepancies, which remain unexplained to date, constitute a violation of the minimum system capabilities required by law and have created serious doubts on the integrity of the entire election process,” dagdag pa ng mga petitioner .

Ang batas , nagsasaad na ang minimum standards ng automated election system ay kinabibilangan ng sapat na seguridad laban sa hindi awtorisadong pag-access, tumpak na pagtatala at pagbabasa ng mga boto at tumpak na mga ballot counters. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

Previous articleMaynila ibabalik bilang ‘Fashion Capital’ ng Pinas
Next articleBarko ng Pinas binuntutan ng Chinese Navy ship