Home HOME BANNER STORY SMNI nagpasaklolo sa SC

SMNI nagpasaklolo sa SC

MANILA, Philippines – Dumulog na sa Korte Suprema ang mga reporter ng SMNI upang maharang ang ipinataw na indefinite suspension laban sa kanila ng National Telecommunications Commission o NTC.

Batay sa 46-na pahinang petition for certiorari and prohibition, iginiit ni dating Presidential Spokesman Harry Roque na kumatawan sa SMNI, na walang kapangyarihan ang NTC na suspendihin ang prangkisa ng media entity.

Iginiit ni Roque na korte lamang  ang makagagawa nito o kaya ay sa pamamagitan ng pagpasa ng batas na nagpapawalang bisa sa prangkisa ng kumpanya.

Nanindigan din ang mga anchor at reporter ng SMNI na patuloy pa nilang lalabanan ang ginawa ng NTC

na nakaaapekto sa kanilang kabuhayan at pamilya. Teresa Tavares

Previous articleKlase sa Pateros suspendido sa Pebrero 12
Next article44 distrito pinuri ni Zubiri sa ‘di paglahok sa PI signature drive