Home METRO Snatcher sa Maynila, swak sa selda

Snatcher sa Maynila, swak sa selda

MANILA, Philippines – NAGKAROON ng umaatikabong habulan bago nakorner ang isang 25 anyos na binata, matapos agawin ang mobile phone ng isang call center agent na babae sa loob ng pampasaherong jeep sa Paco, Manila nitong Martes ng gabi, Agosto 22.

Kinilala ang suspek na si Jayvan Cagutong, jobless ng Quirino Avenue, West Zamora, Barangay 851, Pandacan, Manila.

Ayon sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Gilbert Cruz, Commander ng Manila Police District – Ermita Police Station 5, bandang 8:55 ng gabi nang biglang agawin ng suspek ang Samsung Duos na kulay gold na pag-aari ng isang 27-anyos na Call Center Agent ng Pandacan, Manila.

Una rito, lulan ng pampasaherong jeep ang dalaga sa Pe├▒afrancia Street at nakasakay din ang binata, pagsapit sa harapan ng Mason House sa Escoda Street, Ermita, nang pumara ang suspek saka inagaw ang mobile phone ng dalaga.

Kumaripas ng takbo, pero sinundan siya ng biktima, nang mamataan ng nagpapatrulyang mga tauhan ni Cruz habang nagsasagawa ng Anti – Criminality Campaign sa buong area ng Ermita, kaya nagkaroon ng umaatikabong habulan hanggang sa makorner ang suspek sa San Marcelino Street sa Paco.

Bukod sa Cellular Phone, nakitaan ng patalim ang binata.

Dahil dito, kasong paglabag sa Article 293
Robbery (Snatching) at Illegal Possesion of Deadly Weapon ang kahaharapin ng suspek. Rene Crisostomo

Previous articleIndian spacecraft lumapag na sa buwan
Next articleRoad security paiigtingin pa ng LTO sa FIBA World Cup