Home METRO Snatching-in tandem nadakma ng 2 traffic enforcer

Snatching-in tandem nadakma ng 2 traffic enforcer

355
0

Bulacan – Arestado ang dalawang lalaking nang-agaw ng cellphone ng estudyante matapos mahuli ng mga tumugis na traffic enforcer sa lungsod ng Malolos.

Kinilala ang dalawang suspek na sina Jake Israel, 32, jobless, residente ng Brgy. San Vicente, Sta. Maria at Fernan Isanan, 36, helper, Brgy. Libis, Baesa, Caloocan.

Ang biktima ay itago sa pangalang Tantan, 19, estudyante, residente ng Brgy. San Isidro, Hagonoy.

Sa report ni Malolos chief of police PLt. Col. Andrei Anthony Manglo, nangyari ang insidente bandang 2:30 ng hapon nitong Pebrero 4 sa Brgy. Guinhawa.

Ayon kay Manglo, naglalakad ang biktima nang biglang agawin ang celphone nito ng dalawang suspek na tumakas papuntang capitol park.

Agad nagsumbong ang biktima sa guwardiya ng Bulacan State University na tumugis sa mga suspek subalit nadamba na ito ng dalawang traffic enforcer na nakakita ng komosyon.

Nalamang naibalik naman ang celphone ng biktima habang ang mga suspek ay isinuko sa pulisya na nahaharap sa kasong robbery at nakakulong sa naturang istasyon.

Sinasabing bukod sa estudyante ilang mga biktima pa ang nagpunta sa istasyon kayat napagalamang ang dalawang suspek ay mga noturyos na snatcher sa lungsod.

Kaugnay nito, nakatakdang parangalan ng pamahalaang lungsod sa pangunguna ni Mayor Chriatian Natividad ang mga Malolos traffic enforcer na sina Dionisio Santos at Edwin Dela Cruz sa kanilang ipinakitang tapang at pagtulong sa kapwa. Dick Mirasol III

Previous articleNavotas, pasado sa DILG good financial housekeeping
Next article208 dagdag-kaso; 11 pa patay sa COVID