Home ENTERTAINMENT Snooky, naka-scoop kay Oro!

Snooky, naka-scoop kay Oro!

Manila, Philippines – Sa ‘di inaasahang pagkakataon ay nakatisod ng scoop si Snooky Serna.

Panauhin ng dating child actress si Elizabeth Oropesa sa kanyang vlog.

Mas kilala sa showbiz circles si Elizabeth bilang “Oro.”

Pero kung personal niyang buhay ang tatanungin, hindi ito isang bukas na aklat.

Snooky can perhaps take the credit for unearthing Oro’s romantic past na hindi alam ng publiko.

In her vlog, Oro was subjected to Flash a Movie segment kung saan ide-describe ‘yon ng kanyang guest.

Ipinakita ang isang lumang pelikula ni Oro, ang Lumapit, Lumayo ang Umaga.

Taong 1975 ‘yon ipinalabas sa ilalim ng direksyon ni Ishmael Bernal.

Co-stars ni Oro doon sina Dante Rivero at George Estregan.

Oro’s shining performance in that movie gave her Best Actress trophy in Famas.

Oro then talked about the challenges in essaying the role.

Susog naman ni Snooky, she also had a chance to work with Dante in the film Wanted: Perfect Mother.

Taong 1970 ‘yon helmed by Lino Brocka.

Doon na ipinasok ni Oro ang tsikang may nakaraan sila ni Dante.

In fact, nasa 40s na raw ang kanilang anak ngayon.

But Oro didn’t mention their love child’s gender o trabaho nito.

Pero isa lang ang tiniyak ng beteranang aktres, great love daw niya si Dante na nag-iisang taga-showbiz sa kanyang buhay.

Why it was never made public ay dahil noong araw daw ay hindi uso ang tsismis, let alone social media.

Tinivak din ni Oro that she and Dante still communicate and have remained friends.

Bulalas ni Snooky patungkol sa rebelasyon ni Oro: “Naka-scoop ako!” Ronnie Carrasco III

Previous articleANG TULAY NG MAGABI AT ANG AKSIDENTE NG NAKARAAN (Last Part)
Next articleDAGDAGAN TRAINING NG MOTORCYCLE RIDERSĀ