Home NATIONWIDE Socmed, e-commerce platforms pananagutin ng CICC sa laganap na scam

Socmed, e-commerce platforms pananagutin ng CICC sa laganap na scam

MANILA, Philippines- Sinisilip ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) is na parusahan ang social media at e-commerce platforms para sa kawalang-aksyon nito kaugnay ng pekeng accounts at scams.

Sa isang panayam nitong Martes, sinabi ni CICC Executive Director Undersecretary Alexander Ramos na pinapayagan ng Republic Act No. 11967, kilala bilang Internet Transactions Act of 2023, ang CICC at iba pang government agencies na aksyunan ang social media at e-commerce platforms.

“As far as the platforms are concerned, they’re doing a lot of business and yet they lack the necessary safety nets for local consumers. With this new law, I think we have enough basis to file potential charges against them,” wika ni Ramos.

Maaaring parusahan ang platforms na ito aniya, kung papayagan pa rin ang accounts “to promote fake products or fake accounts that victimize people.”

“They should not be harboring them. They should weed them out. They should have certain technologies that automatically detect this. They are, after all, promoting the use of e-commerce on their platform,” patuloy niya.

“In the last ASEAN (Association of Southeast Asian Nations) security summit based in Singapore, there was a collective action towards this goal to really increase the enforcement on social media platforms. Now that we have [this law], we can demand immediate action,” giit ni Ramos.

Subalit, inihayag niya na hindi nilalayon ng batas na kalusin ang social media o e-commerce platforms at sa halip ay isulong nag consumer confidence sa pamamagitan ng pinaigting na regulasyon.

“Shutting them down is the last thing we have in mind because the administration is really promoting e-commerce,” pahayag niya.

Sa reputasyon ng Pilipinas bilang “social media capital of the world,” sinabi ni Ramos na kinakailangan ng mas mahusay na online security para sa mga Pilipino.

“Right now, the government is not taxing [these platforms], at least protecting clients is a must and important,” wika niya.

Sa kasalukuyn, inilahad ni Ramos ang pangunahing alalahanin sa online space na pekeng online sellers.

“That’s the number one problem as far as e-commerce is concerned. We have a lot of victims,” aniya.

Bukod sa pagpapanagot sa platforms na ito, sinabi ni Ramos na ipinatutupad din ng pamahalaan ang information campaigns upang turuan ang mga Pilipino na makaiwas sa online scams.

“Right now, we are campaigning to be more aware, be more curious before you do any online transaction. Get more info(rmation) and really study the options you have once you go online. Never be too trusting. That’s one of our advocacies,” anang opisyal.

Nitong Dec. 5, nilagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang dalawang priority bills – ang Internet Transactions Act of 2023 at ang Public-Private Partnership Code of the Philippines. RNT/SA

Previous articleAngeline, inokray sa bottled water!
Next articleOFWs sinalubong ng OWWA sa NAIA