Hindi pa man nagsisimula ang preliminary investigation, tiniyak ng Department of Justice na dedesisyunan agad ang reklamo laban sa mga miyembro ng kontrobersyal na grupong Socorro Bayanihan Services Inc. (SBSI).
Sinabi ni Justice Undersecretary Nicholas Felix Ty na target ng DOJ na ilabas ang resolution sa kaso sa kalagitnaan ng Nobyembre.
Aniya, maghahain ng supplemental complaint ang NBI dahil sa mga bagong alegasyon laban sa mga respondents.
Iginiit ni Ty na batid ng kagawaran ang kahalagahan ng usapin kung kaya umaasa iyo na madesisyunan ang reklamo sa Nobyembre.
Magugunita na dumalo kahapon sa clarificatory hearing ng DOJ si SBSI leader Jey Rence Quilario alyas Senior Agila.
si Quilario at ibapang miyembro ng SBSI ay pinayagan pansamantala ng Senado na makalabas ng detention para makadalo sa pagdinig ng DOJ.
Sinabi naman ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa, na pag-uusapan ng Senate committee on public order and dangerous drugs kung hanggang kailan ang detentio ni Quilario at tatlong iba pa na una nang pinatawan ng contempt dahil sa pagsisinungaling. Teresa Tavares