MANILA, Philippines – INIIMBESTIGAHAN na ngayon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang napaulat na di umano’y kinokolekta ng religious cult na Socorro Cult ang cash grant ng mga miyembro nito na bahagi ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Ito ang inihayag ni DSWD Secretary Rex Gatchalian sa Senate finance subcommittee hearing ukol sa panukalang P207.37-billion budget ng departamento, araw ng Miyerkules, Setyembre 20, 2023.
Matatandaang, dalawang senador ang naghain ng resolusyn na nananawagan para sa Senate probe sa mga aktibidad ng Socorro Bayanihan Services Inc., di umano’y religious cult sa Surigao del Norte.
Tinatayang mahigit sa 1,000 minors at kanilang pamilya ang napaulat na miyembro ng kulto.
Karamihan sa mga ito ay benepisaryo ng cash assistance program ng pamahalaan.
Ibinunyag ni Senador Risa Hontiveros ang isang kilabot ng kulto sa Socorro, Surigao del Norte na sangkot diumano sa iba’t ibang uri ng pag-abuso sa mga miyembro nito, kabilang ang panggahasa sa mga batang babae na kasapi nito.
Pinangalanan ng senadora ang kulto na Socorro Bayanihan Services, Inc na pinamumunuan ng isang Senior Aguila.
Sa kanyang privilege speech, sinabi ni Hontiveros na kilala ang grupo sa pagiging civic organization na nagsusulong ng bayanihan sa munisipyo ng Socorro. Ngunit noong 2017, nag-iba ang anyo nito.
Nagsimula umano ang kulto noong may isang 17-anyos na bata na grinoom para maging susunod umanong tagapagligtas.
“As a matter of practice, what is for the beneficiary is for the beneficiary. It’s against the creed of the department when may tumabas, no matter kung sino man yan, no government official, no private individual can take what is given directly to the beneficiary,” ang sinabi naman ni Gatchalian sa mga senador sa nasabing pagdinig.
“We have taken stock of the privilege speech of the good senator, Madame Chair, and we took inventory immediately of how many 4Ps households we have there. But obviously, these are initial numbers because it could not be in just one sitio but in more sitios,” ang naging tugon ni Gatchalian kay Hontiveros na nagpahayag ng pag-aalala na lingid sa kaalaman ng gobyerno na napopondohan na pala nito ang kulto.
“In Sitio Kapihan, for example, we have 74 households na 4Ps beneficiaries. In that barangay itself, Barangay Siring, we have 503 households,” diing pahayag ni Gatchalian.
Ani Gatchalian, magbibigay sila sa Senado ng update ng kanilang imbestigasyon.
“We’ve already spoken about getting our city links and our municipal links to pry into the well-being of these 4Ps beneficiaries in that area,” aniya pa rin.
“Whenever we get allegations of AICS (assistance to individuals in crisis situations) misuse, we take it seriously, and even here in the central office, in any of our field office,” aniya pa rin.
Sa katunayan, tinitingnan na ng regional director ng DSWD ang AICS track distribution sa nabanggit na lugar.
Tinuran pa ni Gatchalian na sisilipin din nito ang mga benepisaryo ng AICS sa rehiyon “particularly zeroing in on those barangays, sitios that are in the peripheral of the site of the religious cult.”
“And then we can do backtracking and our standard investigation tracks also…We will immediately copy furnish the office of the committee as well as the office of the good senator on the findings of the 4Ps as well as the AICS clusters,” ayon kay Gatchalian. Kris Jose