Home ENTERTAINMENT Sofia, binastos; Jowa ni Max, to the rescue!

Sofia, binastos; Jowa ni Max, to the rescue!

Manila, Philippines- In most cases, it’s always the ones close to the victims who exact revenge against their aggressors.

Ganito ang nangyari sa kaso ni Sofia Andres na binastos ng ama ng karelasyong si Daniel Miranda.

Ang siste, may pagka-foul-mouthed si Martin Miranda, ama ni Daniel.

Bastos umano ito sa dilang bastos na nagyayang i-“blowjob” siya ni Sofia.

Sa halip na si Daniel ang kumompronta sa ama dahil sa pambabastos nito, ang nobyo ni Max Eigenmann came to Sophia’s defense.

Kapuri-puri nga ang ginawa ni Anthony Santiago.

There was no stopping Anthony from searching Martin through Facebook.

Nang matunton ni Anthony ang account nito’y pinagsalitaan niya ito through his post: “You motherfuck–er! How dare you tell the girls to do a blowjob on you!”

May kasamang pagbabanta ang post ni Anthony.

Pagpapatuloy niya: “You have until the end of the day to find my number. Give me a call or else I’ll find your address and go to your place!”

Obyus na seryoso si Anthony sa kanyang bantang panunugod kay Martin.

Afraid for his dear life, nagpost si Martin ng pasasalamat kay Max who accepted his apology sa ginawang pambabastos kay Sofia.

Pero ang hindi ma-take ng mga netizens ay ang “peace offering” ni Martin kay Anthony.

Ani Martin, sana raw ay makilala niya ito at maging kaibigan.

Kinuyog naman ng mga netizens ang ama ni Daniel dahil sa kakapalan ng mukha nito.

At the same time, pinuri naman ng mga ito si Anthony dahil sa pagtatanggol sa kaibigan ng kanyang girlfriend.

What an ideal boyfriend daw Anthony is!

Eh, ang mismong karelasyon ni Sophia, ano’ng puwedeng itawag? Ronnie Carrasco III

Previous articleKolaborasyon sa Malaysian gov’t sa pagpapahusay ng PH education sinisilip ni VP Sara
Next articlePNP muling nagbabala vs online sex predators