MANILA, Philippines – Inilunsad na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang e-visa system para sa mga dayuhang turista na nais mag-apply ng visa online.
Ayon kay DFA Secretary Enrique Manalo, ang e-visa system “will allow foreign nationals to apply for visitor’s visas remotely through their personal computers, laptops, and mobile devices.”
Dagdag pa ng ahensya, hihikayat ng mas marami pang turista na bibisita sa Pilipinas ang mas madaling paraan ng pagkuha ng visa.
Ani Manalo, ang soft launch ng e-visa system ay gagawin sa Shanghai, China.
“I am pleased to share that the Philippine e-visa system is ready to be soft launched for beta testing which will be led by the Philippine Consulate General in Shanghai,” pahayag ng opisyal.
Bago ang COVID-19 pandemic, ikalawa ang China sa may pinakamaraming turista na dumating sa Pilipinas sunod sa South Korea.
Bagama’t suportado ang e-visa system, sinabi ni Senate tourism committee chairperson Senator Nancy Binay na magkaroon pa rin ng face-to-face interaction sa proseso ng e-visa application para maiwasan ang pagpasok ng mga hindi kanais-nais na bisita sa bansa.
Maliban sa e-visa system, inihahanda na rin ng Bureau of Immigration ang dagsa ng mga pasahero sa papalapit na “ber months.” RNT/JGC