SoKor actor Moon Ji Yoon, pumanaw na sa edad na 36

SoKor actor Moon Ji Yoon, pumanaw na sa edad na 36

March 20, 2020 @ 8:27 AM 3 weeks ago

  • 5
  •  
  •  
    5
    Shares
Share

South Korea – Pumanaw na ang aktor na bida sa “Weightlifting Fairy Kim Bok-joo” na si Moon Ji Yoon dahil sa acute septicemia o lason sa dugo noong Miyerkoles ng gabi, March 18, ayon sa ulat ng Soompi.

Batay sa impormasyon, isinugod si Ji yoon sa ospital dahil sa severe sore throat ngunit agad inilipat sa intensive care unit nang lumala ang kanyang sitwasyon.

Taong 2002 nang nag-debut ito sa kanyang MBC drama na Romance.

Bukod sa “Weightlifting Fairy Kim Bok-joo,” tampok din sila sa iba pang Korean dramas tulad ng “Cheese in the Trap,” “Sassy Girl Chunhyang,” and “Watcha Wearin’?” Remate News Team/FGDC

Share

Leave a Reply

Loading...