Tacloban City- Nagsasagawa ng manhunt operation upang tugisin ang isang South Korean national na pumuga mula sa sub-provincial jail sa Leyte.
Kinilala ng Abuyog Municipal Police Station nitong Biyernes ang pugante na si Gim Si-hun alyas Kim Si-hon, 28-anyos, na nakatira sa Suit Condo, BGC, Taguig City.
Nakulong siya sa estafa charges.
Napag-alaman ng jail personnel na nagsasagawa ng head count na nawawala si Gim bandanga las-6 ng umaga nitong Nobyembre 16.
Huli siyang nakita dakong alas-3 ng madaling araw sa kusina habang naghahanda ng agahan, ayon sa mga awtoridad. RNT/SA